Kahalagahan ng pagiging matapat

 Pagiging matapat :Ugaling Dapat Itaguyod

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging matapat. Ang pagiging matapat ay isa sa pinakamahalagang ugali na dapat taglay ng bawat isa. Ito ay nangangahulugang pagsasabi ng totoo at paggawa ng tama, kahit na walang nakakakita o kahit mahirap gawin.


Bakit Mahalaga ang Pagiging Matapat.

Mahalagang matapat tayo sa lahat ng pagkakataon, kahit saan at kahit kailan. Kapag tayo ay matapat, mas nagkakaroon  ng tiwala ang ibang tao sa atin. Dapat naipakikita natin ang pagiging matapat sa lahat ng uri ng tao, kahit anong katayuan nito sa buhay. Halimbawa ng pagpapakita ng pagiging matapat ay kung tayo ay nagsasabi ng totoo sa ating magulang guro o kahit sa ating mga Kaibigan at kaklase.. Mas madali silang magtiwala at magbigay ng responsibilidad sa atin kung tayo ay kanilang pinagkakatiwalan dahil sa pagiging matapat.

Mga Paraan Upang Isabuhay ang pagiging matapat :

1. Sabihin ang totoo kahit mahirap aminin.

2. Ibalik ang mga bagay na hindi sa iyo. 

3. Huwag mandaya sa pagsusulit o laro. 

4. Amin in ang pagkakamali at humingi ng tawad. 


      Ang pagiging matapat ay hindi lamang para sa sarili, para sa ikabubuti ng lahat. Kapag ang bawat isa ay matapat, magiging maayos, mapayapa, uunlad ang komunidad at magkakaroon ng tiwala ang mga taong nasasakop sa isang komunidad. Kaya simula ngayon, piliin natin ang tama at maging matapat sa lahat ng oras. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagiging Matapat: Mahalaga